Victorian Tumblr Themes

Hi adiks!!!!!

So yun kapapanood ko pa lang ng prod ng JULIELMO sa last episode ng Party Pilipinas. Mamimiss ko sila. Sobra sobra sobra. Haaaay! ‘All good things come to an end’ sabi nga ni Julie. *sighs* Ang sakit sa puso lang. T_T Kaya I’ve come up with a decision na ipagpatuloy yung mga fanfics ko na parang lahat ay WIP. (Sorry for the lack of updates!!! T_T) Yung mga dating stories ko balak kong irewrite kasi nung mabasa ko yung mga sinulat ko 2 years ago … (-_-“) Ewan ko ba. Haha Ngayon medyo nagmature mature na ako ng bahagya. Nagbalik na fullforce ang aking muse kaya eto I’m back! :)

Helloooo adiks! :”>

Una sa lahat sensya na po sa lack of updates. Busy kasi at madaming ginagawa sa school pero syempre imposible naman na mawalan talaga ako ng time na mag-online. Kapag kasi nag-oonline ako wala kasi akong maisip na isulat lalo na’t pagod pa sa saulohin at kung anu-ano pa ang utak ko. Sabaw lang po. :D Unfortunately, yung Flirting Games po ay oneshot lang. (Iniisipan ko pa po kung pwede pa madagdagan. Nadadagdagan na kasi ang listahan ko ng plots sayaaaang ang tagal ko pa man din mag-update :((( :) Yun lang. God bless everyone. JULIELMO FTW~

Flirting Games (Oneshot)

Kissing the Ex-boyfriend


*:*;*:*

8 pm. Saturday. Sa isang coffee shop.

Nakaupo siya sa paborito niyang pwesto sa coffee shop, sa isang sulok kung saan wala masyado ang pumupunta. Puro mga lalaking nakasuit ang nasa coffee shop ngayon ah. Lahat sila mukhang may mga kameeting.

Inilabas niya ang kanyang paboritong libro at humigop ng kaunti sa kanyang lumalamig na kape. Nakakailang paragraph na siya sa  kanyang binabasa ng biglang tumunog ang bell na nakasabit sa may pintuan ng coffee shop. May bagong dating na customer. Nag-angat siya ng tingin at medyo nagulat siya ng makita niya ang kanyang Boss. He’s wearing an expensive suit as usual. Branded at mamahalin mula ulo hanggang paa. Ultimo hangin na nasa paligid niya amoy mahal din eh.

“Ang presyo siguro ng outfit for today hindi ko maaafford kahit magpa-alipin ako habambuhay.” Bulong niya sa sarili sabay buntong hininga. Buti pa ang Boss niya pinanganak na mayaman, matalino at gwapo.

Sinundan niya ng tingin ang Boss niya at nakitang umupo ito sa table ng isang gwapong lalaki.

“Hi. Can I sit here?” Tanong ni Boss.

 “Sure.” Ibinaba ng lalaki ang newspaper na binabasa niya at tipid na ngumiti sa kanyang Boss. Hindi niya makita ang mukha ng kanyang Boss dahil nakatalikod siya mula sa kinauupuan niya. Yung mukha lang ng gwapong lalaki ang nakikita niya.

Hmm. Wala namang masyadong tao sa coffee shop. Marami ngang unoccupied na tables.

 “Hi, I’m Elmo.” Sabi ng kanyang Boss at inilahad niya ang kamay niya. Hindi iyon tinanggap ng lalaki at marahang ibinaba ni Elmo ang kanyang kamay. Tumawa siya ng bahagya.

“I like women who are playing hard to get.” Ano daw? Anung women Boss? O_O Kung hindi lang lalaki ang kausap ni Boss, maniniwala na akong nakikipagflirt siya dahil sa sagot niya eh.

“Really?” Tanong ng gwapong lalaki kay Boss. Isinara nito ang newspaper na kanyang binabasa at tinuon ang buong atensyon sa kanyang Boss.

“Yeah. It turns me on.” Boss said in his sexy, masculine, and husky voice.  

Napalunok siya sa narinig niya.

Wait.

Is he flirting with that guy?

Hindi siya chismosang tao pero malapit lang ang table niya sa kanila at hindi niya kasalanan kung may marinig man siya sa pinag-uusapan ng dalawa. Tahimik kasi sa coffee shop at mahinang acoustic songs lang ang tugtog sa loob.

“Oh.” Sagot ng gwapong lalaki at napayuko ito. Teka, blush ba yung nasa cheeks niya?

“So, you are?” Tanong ni Boss.

“Finn.”

“Nice to meet you, beautiful.” Inilahad ni Finn ang kamay niya para makipagkamay. Kinuha naman iyon ng kanyang Boss, inilapit sa kanyang mga labi at hinalikan. HINALIKAN?

“Stop that. You’re making me blush.” Sabi ni Finn kay Boss.

“But it’s true. Everyone can see that.”

Tumayo siya at naglakad papunta sa comfort room. Hindi niya kinaya ang mga nasaksihan niya. Totoo ba ang mga nakita at narinig niya? Hindi kaya lasing lang ang kanyang Boss at inakalang babae ang lalaking ‘yon?

Sumasakit na ang ulo niya. Maiintindihan niya pa sana kung isang babae ang nilandi ng kanyang Boss. Pero hindi eh. Oo, alam niyang babaero ang kanyang Boss pero hindi niya alam na gusto niya rin ang mga lalaki. Hindi niya alam na “Bi” pala ang kanyang boss.

Naaawa siya sa girlfriend ng kanyang Boss. Kahit na medyo masungit at maldita ang girlfriend niya, mabait naman siya sa lahat lalo na sa aming mga empleyado ni Boss. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon si Ma’am. Ikaw ba naman magkaboyfriend na katulad ni Boss Elmo, siguradong sasakit ang ulo mo. Dapat mahaba ang iyong pasensya, kaya mong ihandle ang temper ni Sir at ang hilig niya sa mga babae.

 Naku, siguradong malaking scoop ‘to sa opisina.

Paglabas niya ng comfort room, nagulat siya sa nakita niya.

They were sitting close to each other. Extra close. Nagbubulungan at nagtatawanan. May ibinulong si Boss at tumawa si Finn dahil.. mukhang nakiliti siya sa ginawa ni Boss. At.. at.. kamay ba ni Finn yung nasa tuhod ni Boss?

Bumilis ang tibok ng puso niya sa nakikita niya. Ang bilis naman ng pangyayari. Wala pa siyang sampung minuto sa comfort room pero heto na ang dadatnan niya? Wow. Mabilis talaga ang Boss niya mapababae man o lalaki.

Nang makaupo siya sa kanyang table, halos malaglag naman ang puso niya sa nasaksihan niya. Aktong hahalikan ni Finn sa labi si Elmo pero nailayo agad ni Boss ang mukha niya.

“Not so fast, naughty girl.” Sabi ni Elmo. Ang kaliwang kamay niya nakapaikot sa balikat ni Finn habang ang isang kamay naman ay hawak ang kaliwang kamay ni Finn. Ang kanang kamay ni Finn? Hayun, sa ilalim ng lamesa. Nasa tuhod ni Boss.

“Oh c’mon. Don’t be shy.” Sabi ni Finn at BOOOOOOOOOOOM!

Naghahalikan ang dalawa.

Gusto niyang takpan ang mga mata niya pero hindi niya magawa. Aaminin niya, it was hot. Really hot. Dalawang gwapo. Nosebleed. Epistaxis to the maximum level.

First time niyang makakita ng ganoon sa tunay na buhay. Mahilig lang siyang magbasa ng mga yaoi mangas pero heto ngayon sa harapan niya ang kanyang Boss at isang stranger na kanina lang niya nakilala. Wow.

Parang sumabog na ata lahat ng brain cells niya.

Biglang may tumunog ang bell. May bagong dating na customer.

Napunit ang atensyon niya mula sa dalawang lalaki at napatingin sa bagong dating na babae.

Ang girlfriend ni Boss Elmo! Busted. Oh no!

Dali-daling naglakad ang girlfriend ng kanyang Boss papunta sa table ng taksil na boyfriend at malakas na hinampas ang lamesa ng dalawa. Napatingin si Boss at si Finn.

“How could you do this to me, Elmo?! I trusted you! Am I not good enough at pati ex ko pinatulan mo?!” Oh God. Nanginginig sa galit ang boses ni Ma’am. Inalis ni Boss ang kamay niyang nakapaikot kay Finn at umiling-iling at tumungo.

 “Julie! It’s not what you think! Stop making a scene.” Pakiusap ni Finn dahil napunta lahat ng atensyon sa table nila. Dumami na pala ang tao sa coffee shop. Sinampal ni Ma’am Julie si Finn at si Elmo.

“At ikaw naman Finn! Grabe. Do you still remember the reason why we broke up? It’s because of that fucking bitch na binuntis mo habang nasa isang relationship pa tayong dalawa. Tapos ngayon eto? Boyfriend ko naman ang target mo? Ano ba talagang gusto mo Finn? Tama na ‘yung sinaktan mo ako noon. Please. Maghanap ka na lang ng iba. Please not Elmo. Not my husband. I’m.. I’m pregnant with his child. Don’t do this to our child.” Umiiyak na si Ma’am Julie at napaluhod.

Wow.

I’m speechless.

Kasal na pala sila? Kelan pa? Ah baka nangyari noong nagbakasyon sila sa Italy noong isang linggo.

Pang primetime lang ang storya ah.

“Grabe. Walang kunsensya ang lalaking ‘yan. Kawawa naman yung babae at yung magiging anak nila oh. What an asshole.” Sabi ng isang usisera na napanuod ang buong pangyayari.

“Oo nga. Tsk! Buti may mukha pa siyang naihaharap. Home wrecker.” Sabi pa ng isa.

Lumalakas na ang bulungan. Lahat panig kay Ma’am Julie. Narinig ni Finn yun sigurado ako. Ang ipinagtataka ko lang si Finn ang mukhang sobrang affected habang si Boss Elmo naman nakatungo lang at tinakluban ang mukha niya. Naguguilty siguro.

Tumayo si Finn at umalis na sa coffee shop. Nagsibalik naman sa kanilang kanya-kanyang usapan ang mga tao.

Lumapit si Boss kay Ma’am Julie at inalalayan siyang tumayo. Nang makaupo sila, biglang humagalpak ng tawa si Ma’am Julie.

Huh?

“Bwahahahaha! I should’ve filmed his reaction! Karma’s a bitch, Finn. Hahaha!” Sabi ni Julie habang tumatawa. Pinupunasan naman ni Boss ang kumalat na mascara sa mukha ni Ma’am Julie.

“Moe, you- you should’ve looked on his face noong sinabi kong asawa kita at buntis ako. Hahaha! I can’t believe he bought that! Wala ngang singsing sa daliri ko eh. Hahaha!” Hindi na makahinga si Julie katatawa. Bigla siyang tumigil nang hindi sumasagot si Elmo.

“Why, honey? What’s wrong?” Tanong ni Julie.

“You’re late. Usapan natin pumasok ka na dito after 15 minutes, diba?” Sabi ni Elmo habang inaayos ang kanyang tie.

“Aww~ poor boy. Sorry, baby. Nalibang lang ako. I can’t believe you actually kissed him. Wow.” Sabi naman ni Julie at tinulungan ayusin ang tie ni Elmo. Hindi naman sumagot si Elmo.

“Stop pouting. I don’t want to kiss you right now. Don’t worry. Mas nagmukhang lalaki ka nga sa paningin ko eh.”

“You’re crazy.”

“I know. And you love it.” Sagot ni Julie. Napangiti si Elmo at umiling-iling. Hahalikan na dapat siya ng biglang takpan ni Julie ang labi ng kasintahan.

“No kissing. Not until you brush your teeth and wash out your mouth.” Elmo groaned. Julie chuckled while wiping the corner of Elmo’s lips.

“Mission accomplished, Mr. Magalona. I’ll give your reward later. I’m pretty sure you’ll love it!” Said Julie giving Elmo a naughty smirk.

“So I get to choose what outfit you will wear?”

“Yes and No. Yes, it’s for you to decide and no, not the schoolgirl outfit you’ve been fantasizing about.” Tumawa si Boss at umalis na silang dalawa sa coffee shop ng magka-akbay na parang walang nangyari. ‘Yun pala si Finn na ex boyfriend ni Ma’am Julie. Balita kasi noon na nakabuntis yung ex ni Ma’am. Sobrang nasaktan daw si Ma’am dahil first boyfriend pa. Hmm. Bading pala siya.

Hanga na talaga ako sa acting skills ni Ma’am Julie at sa tibay ng sikmura ni Sir Elmo.

*:*;*:*

Author’s Note: I have nothing against gay people. Gusto ko lang magtry ng bago. Got the idea from Gossip Girl. :)

Poster for this fanfic. Please notice Julie’s black/dark brownish eyes. :)

Poster for this fanfic. Please notice Julie’s black/dark brownish eyes. :)

My Julie Doll (Chapter 3)

7:50 am. Wala pang 30 minutes ang nakakalipas ng iwanan ni Elmo si Julie sa apartment. Okay lang kaya siya? Baka may nangyari na sa kanyang hindi maganda wala pa naman siyang ka-alam-alam. Naku naman. Konsensya ka pa tuloy siya. Bakit kaya hindi ko na lang siya i-turnover sa isang institution para sa mga baliw? Gagaling siya dun at makakasalamuha pa niya ang mga kapwa niya baliw na baka makatulong para gumaling siya. Pero, baliw ba talaga si Julie? Parang hindi naman. Wala namang siyang hinahanap na Basilio, hindi ba?

“Bro, okay ka lang? Kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo ah.” Tanong ni Steven. Napatingin ulit si Elmo sa kanyang relo. 7:51 am. 9 am pa ang tapos ng klase nila at wala pa rin ang kanilang prof.

“Hindi ah.”

“Okay sabi mo eh.” Nagtawanan lang sila Steven, Sef at Rocco. Tanggi pa eh kakatapos lang tumingin sa kanyang relo.

“Sabi ko sa’yo totoo eh,” Bulong ni Rocco kay Sef. “hindi naman madumi yung apartment nung sumilip ako kanina eh. Ang linis nga eh. Sabi ko na talaga may tinatago ‘yang si Moe eh. Hahaha!”

“Uy, Rocs. Pahingi pa nga nung cookies na binigay mo sakin kagabi. Yung gawa ni Tita.” Sabi ni Elmo habang nakatingin pa rin sa relo niya. Kung pwede lang pabilisin ang oras.. Hay! Baka kung anu-ano na ang pinaggagagawa ng babaeng ‘yun. Baka nga nasusunog na ang apartment namin!

“What?!?!?!” Gulat na gulat na napatingin sa kanya ang mga kaibigan niya.

“Moe, Chocolate cookies yun. CHOCOLATE.” Paglilinaw ni Sef.

“Yeah. Pahingi ha. Thanks.” Sabi naman ni Elmo habang may kinukuhang kung ano sa bag. Hindi niya pansin ang gulat na gulat na expressions ng mga kaibigan dahil busy siya kaiisip ng mga posibleng nangyayari kay Julie at sa apartment niya.

“Moe, gawa sa Cocoa yun at maraming, maraming asukal. Matamis yun!” Si Sef.

“Ikaw ba ‘yan, bro? Kelan mo pa nagustuhan yung gawa ni Tita?” Sabi ni Steven. Hindi pa rin sila makapaniwala sa mga narinig sa kaibigan.

“Masama bang humingi ng cookies ngayon?” Sabi ni Elmo habang nag-aayos ng gamit. Distracted at hindi iniintindi ang mga kaibigan.

 “Wow! Sige sige, bigay ko na lang sa’yo bukas. Siguradong magugulat ang mama ko sa’yo!”

Moe asking Rocco to give him cookies? Kahit kalian hindi nila naisip na mangyayari ‘yun. Elmo never liked sweets. Hindi naman sa hindi siya kumakain ng matatamis pero ayaw niya noong sobrang tamis katulad ng lang nung cookies na gawa ng mama ni Rocco. Lagi kasing nagdadala si Rocco nun and everyone liked it. Except him. Okay lang naman kay Mrs. Nacino at naiintidihan niya si Elmo. Yung Papa nga ni Rocco na si Mr. Nacino hindi din mahilig sa sweets kahit na napapaligiran siya ng mga matatamis na cakes, cookies at nakapangasawa pa ng baker.

“Thanks. Ugh, sige mauna na ako. Ang tagal ng prof eh. Kayo na lang bahala magpalusot ha. Bye.” Tumayo na si Elmo at  nagpaalam sa mga kaibigan.

Nanghingi ng cookies kay Rocco. And he never eats sweets. Now, he skips classes. Elmo never skips classes until now. Sobrang focused siya at seryoso sa kanyang pag-aaral para magskip kaya ganon na lang ang pagkagulat ng mga kaibigan niya.

It’s official. There’s something wrong with their bestfriend, Elmo. And they’re determined to find out what the hell is bugging their friend.

-;-

Elmo’s POV

Naglalakad na ako pauwi. Malapit lang naman ang apartment sa school tsaka sayang pamasahe.  Magkakadikit ang mga apartment dito at puro mga estudyante ang umo-occupy. Actually, puro mga lalaki lang ang nakatira dito sa side na ‘to ng mga apartment kaya bawal dito ang mga babae. Nasa kabilang side naman ng school yung mga pangbabae.

Nakarating ako sa apartment at nakitang buo pa naman ang kwarto namin. Wala namang nasusunog. Thank God!  Binuksan ko gamit ng aking susi ang pinto at nakitang ganun pa rin ang posisyon ni Julie noong iwanan ko siya. Kumakain siyslie sa sofa habang nakaupo at nanunuod ng TV. Ubos na lahat ang prutas sa basket pati ang cookies na bigay ni Tita. Tawa siya ng tawa kahit hindi niya maintindihan pinapanuod niya.

“Hey, Julie-Jules. How are you?” Tanong ko at umupo ako sa sofa katabi niya. Hindi niya ako pinansin at uminom sa baso na may lamang gatas. May natira pa sa gilid ng labi niya.. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari kanina bago ako pumasok sa school. This innocent girl right here kissed me. And I’m not talking about the ordinary kiss but a kiss which involved sucking, swapping spit, tongue and more tongu-

Naputol ang mga iniisip ko at napatingin kay Julie. Lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang gatas sa kanyang labi at inayos ang buhok niya para hindi humarang sa kanyang mukha. I need to stop fantasizing about her lips and her magical tongue.

“I’m gonna teach you a few useful  words before tayo magpunta ng mall, okay? Maaga pa naman.” Sabi ko. Yeah, balak ko siyang turuan magsalita. Hindi namang pwedeng ganito na lang kami parati na hindi nagkakaintindihan.

“Okay, kapag tinanong ka ng ‘Anong pangalan mo’ sabihin mo ‘Ako po si Julie’. ‘A-ko po si Ju-lie.”

“A-ko pa-”

“Ako po,” Sabi ko sa tono ng isang nanay na nagtuturo sa 2 years old na anak.

“A-ko po s-si Ju-Jul,” Medyo nahihirapan siyang gayahin ako pero nakikita ko naman ang effort niya. Idagdag mo pa yung innocent black/dark brown eyes niya na sa akin lang nakatitig. Grabe. Her cuteness will be the death of me.

“Go on. Ano pangalan mo?”

“A-ako po si Julie.”

Hindi ko mapaliwanag ang naramdaman ko ng magawa niya ng tama yun. Haaaay! *sighs* Para akong tatay. Ang sarap sa pakiramdam! Ang sarap sigurong maging tatay ano?

“Tama! Okay practice-in ulit natin. Anong pangalan mo?” Tanong ko habang nakangiti dahil hindi ko na maisara ang bibig ko kakangiti.

“Ako po si Julie!!” Sabi ni Julie habang nakangiti din. Nang umagang ‘yon, tinuro ko sa kanya ang mga basic words at sentences na ginagamit kadalasan ay ginagamit araw-araw. Medyo nahirapan siyang magpronounnce pero dahil gusto niya talagang matuto ay pinipilit niyang magawa ng tama. Mabilis na natuto si Julie at hanga naman ako sa kanya.

“Moe? Saan?” Tanong ni Julie sa akin. *sighs* Sobrang sarap sa tenga ng kanyang boses. Para niya akong kinakantahan. Malamig, mahinahon at malambing. Buti na lang tinuruan ko siyang magsalita. Iniabot ko sa kanya ang isang gray sweatpants at black hoodie na susuotin niya mamaya pagpunta namin sa mall. Wala pa kasi siyang mga damit kaya eto na lang muna. Kesa naman magpunta siya doon suot lang ang black t-shirt at boxers ko. Buti na lang patpatin ako noong bata pa ako at may kumasyang mga lumang damit kay Julie.

“Suotin mo ‘yan tapos mamaya ibibili kita ng mga gamit mo. Okay?”

“Okay!” Sabi niya. Hmm. Hindi ako sure kung naintindihan niya ang sinabi ko o baka yung ‘okay’ lang ang nagets niya kaya siya sumagot. Anyway, tinulungan ko siyang suotin yung mga damit. Tinali ko yung strings nung sweatpants dahil medyo maluwag sa kanya. Tinulungan ko rin siyang magsuot nung hoodie dahil hindi niya alam kung paano suotin at inizipper ko pataas.

Inabot ko sa kanya ang suklay at tinuruan siya kung paano gamitin ito.

“Here’s how you comb, Jules,” sabi ko sabay suklay sa buhok ko “ganito. ‘Yan ganyan. You do this to keep your hair neat and unruly. Para maganda tingnan ang buhok mo at hindi magulo. Okay?”

“Okay!” Sabi niya at pilit niyang ginagaya ang ginagawa ko. Natawa ako sa ginagawa niya dahil lalong gumugulo ang buhok niya.

“Hahaha! Ako na nga. Ginugulo mo lang lalo eh.” Sinuklayan ko siya at inayos ang buhok niya sa ayos na sa tinigin ko ay magugustuhan ng isang babae. Heto na naman. Feeling ko na naman tatay ako. Itinaas ko yung hood ng hoodie para paglabas namin ay walang makakita sa babaeng ‘to.

“Halika na.”

Habang naglalakad kami, pinapanuod ko si Julie ng maigi. She’s wearing this grin na sa kanya ko lang nakita so I’m gonna call it ‘The Julie Grin’. Yung sobrang laki ng ngiti niya tapos hindi mo alam kung ano bang susunod na expression niya. Para siyang maiiyak na tuwang-tuwa. Hindi ko talaga maintidihan. Mukha naman siyang tuwang-tuwa sa mga nakikita niya.

Sumakay kami ng bus at halatang takot si Julie dahil natense ang mga shoulders niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pumasok kami sa bus. Pinaupo ko siya sa may bintana hoping na magustuhan niya yung view mamaya. Nang gumalaw ang bus, napahawak siya ng mahigpit sa kamay ko at sumiksik sa tagiliran ko.

“Okay lang ‘yan, Julie. This is a bus. Sinasakyan ‘to ng mga tao para makarating sa pupuntahan lalo na kung malayo yung lugar. Natakot ka siguro sa laki ng bus.” I told her while running my hands up and down her back.

“Laki bus?”

“Yes.  Now, why don’t you relax and look over there. Tingnan mo oh.” Sabi ko habang binubuklat ang kurtina ng bintana ng bus. Nagliwanag naman ang mukha niya and ‘The Julie Grin’ appears.

“Moe! Ano?” Sabi niya sabay tug sa braso ko at turo sa labas. Napangiti ako. Tinatanong niya kung ano yung nakikita niyang malaking bagay sa labas.

“That’s a building.”

“Moe! Ano?”

“Uhm, that’s a billboard.”

“Moe! Ano?”

“That’s a bus.”

“Moe! Ano?”

“That’s another bus.”

Hindi ko alam start na pala ng kakulitan niya. Habang nasa biyahe kami kanina turo siya ng turo ng kung anu-ano at tinatanong sa akin kung ano iyon. Ganoon din ang ginawa niya noong nasa loob na kami ng mall. Medyo pinagtitinginan kami ng mga tao dahil kung saan saan napupunta si Julie kaya hinawakan ko ang kamay niya at inilapit sa akin. Baka mawala pa sa paningin ko si Julie at kung kanino pa mapunta.

“Moe! Ano?” Tanong ni Julie. Kinuha ko ang push cart na itinuro niya at tinulak. Sumunod naman siya sa akin.

“Push cart. Dito mo lalagay lahat ng bibilhin mo.”

Habang nasa loob kami ng grocery store, manghang-mangha na naman siya sa mga nakikita niyang iba-ibang kulay at shapes ng produkto sa loob. At bawat tanong niya ay sinagot ko. Iimagine niyo kung gaano kahirap at gaano kahabang pasensya ang kailangan. Parang ngayon pa lang pagod na ako eh. Hinanap ko si Julie at nakitang kinakain na niya ang isang apple mula sa basket.

“Julie,” sabi ko paglapit ko sa kanya “bawal.”

“Bakit bawal?” Tanong niya habang nakasimangot. Kakagatan pa niya sana pero pinigilan ko siya.

“Kasi po itong apple dapat muna nating bilhin at bayaran gamit yung pera. Mamaya pwede mo ng kainin yung apple mo, okay?” Sabi ko sa tono na lagi kong ginagamit kay Julie.

“Okay!”Sabi niya at tinulungan niya akong magtulak ng cart. Mukhang nag-eenjoy naman siya.

Dumaan kami sa fish station at tuwang-tuwa na nanonood si Julie ng mga lumalangoy na isda. Tahimik kong inobserbahan ang mga reaksyon niya. Mula sa pagkagulat dahil kinuha ng naglilinis ng isda yung isdang tinitingnan ni Julie. May costumer kasi na bumili ng isda at nakita ni Julie kung paano kinatay ang malaking isda. Medyo mangiyak ngiyak siyang nagtago sa likod ko at marahang tinulak ako paalis doon sa station na iyon.

“Okay lang ‘yon, Julie. Some fishes are caught to be eaten. Kinakain talaga sila. Don’t be sad.”

Simula ng makita niya ang pagkatay sa isda, tumahimik siya at sumunod lang kung saan ako pumunta. Binilhan ko siya ng mga chocolate bars, milk at fruits dahil nakita ko kaninang umaga na nagustuhan niya ang lasa ng mga iyon. Bumili din ako ng mga pambabaeng gamit kagaya ng pambabaeng shampoo, toothbrush, sabon at kung anu-ano pang kakailanganin niya. Natatawa nga ang cashier at bagger kay Julie dahil sa reaksyon niya tuwing tumutunog yung device na ginagamit sa pagsensor ng barcode. Natapos kaming mag-grocery at pinahabilin muna namin ang mga binili namin.

Para matigil na ang pagiging hindi komportable ko, ang una naming pinuntahan ay isang lingerie store. Pagpasok namin, lalo ata akong naging hindi komportable.

“Good morning, Ma’am and Sir. How may I help you?”

“Uhm, good morning.” Napatingin ako sa likod ko at nakita ko na busy na tumitingin-tingin si Julie sa loob. “We’re- I mean, she’s looking for something comfortable and simple. Can you please help her choose? Honestly, I-i’m not really comfortable.”

“Of course, Sir! That’s my job. Naku, normal po ang ganyan sa mga bagong kasal. Sa una po ganyan talaga pero after several months kaya niyo na ang magdecide together. Usually yung mga bagong customers namin, babae lang talaga ang namimili pero sa mga suki naman namin silang mag-asawa na ang pumipili and they prefer the more sexy style and kinky design-”

“Okay, okay. I get it. Just. Just help her pick something that suits her.”

“Okay, Sir. Wow. You’re so gorgeous, Miss. No wonder, na-inlove sa inyo ang asawa niyo. Anyway, ano po ang pangalan mo?” Tanong ng saleslady kay Julie. Nasense na rin siguro niya ang discomfort ko. Siguro naman sanay na siyang magdeal sa mga kagaya ko. I decided not to argue ng sabihin ng saleslady na mag-asawa kami. Lalo pang magiging komplikado kung magkwento pa ako sa kanya. Mukha pa man ding chismosa itong babaeng ‘to.

“Ako po si Julie!” Sabi niya habang tumatawa. Siguro natutuwa siya at nagamit niya ang natutunan niya. Kailangan pa naming practisin ang hindi pagtawa sa kung anong nakita o narinig niya. Ngumiti ang saleslady at inakay si Julie papunta sa isang side ng store kung saan ayoko ng idescribe kung ano ang nakalagay doon. Umupo ako sa isang chair sa may fitting room. I need to clear my thoughts. Clear my thoughts. Clear my-

“Moe.” Narinig ko ang malambing at mahinahong boses ni Julie. Pinakita niya sakin ang mga napili niya and HOLY COW!

Bloody hell, no!!!

“There’s no way in hell I’m gonna buy you that, Julie!”

My Julie Doll (Chapter 2)

-;-

Elmo’s POV

“Moses! Moses! Hoy gising na!”

 “Grabe Steven! Lakasan mo naman ang boses mo! Paano yang magigising kung ang hina ng sigaw mo. Ganito. Pag hindi ka pa gumising dyan sisirain namin yung pintuan niyo!!! Wala ka pa namang pambayad!!! Hahaha!”

“Ano ka ba naman Sef! Ang harsh mo naman. Hoy Moses! Kapag hindi mo binuksan itong pinto, tatadyakan na talaga namin ‘to.”

Ang aga aga nambubulabog na agad. Ang kukulit talaga. Tumayo ako mula sa sofa ko para buksan ang pintuan. Teka. Sofa? Bakit ako nasa sofa?

Napatingin ako sa kama ko at napabuntong hininga. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya. Akala mo walang problema sa mundo.

Napatingin ako sa labas ng biglang lumakas ang bawat katok sa pinto. Napatingin naman ako sa babaeng nasa kama ko.

Damn!

Agad kong ginising ang babaeng natutulog sa kama ko. Gusto ko pa sana siyang hayaang matulog kaso hindi pwede. Tinapik ko ang balikat niya at dahan-dahang mumulat ang mga mata niya. She looks like an angel. Sobrang cute niya habang nakapout ang  mga labi niya at kinukusot ang mga mata niya. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan pero wala na talaga akong oras. Hinila ko siya papunta sa banyo.

“Ikaw. Diyan ka lang. Stay, okay? Wag na wag kang lalabas please lang. Okay?” Tiningnan niya lang ako. Hindi pa rin niya ako maintindihan.

“Diyan ka muna ha. Ikaw,” Turo ko sa kanya at sa sahig. “Moe. Dun!” Turo ko naman sa sarili ko at labas. Kinausap ko pa rin siya kahit alam kong mukha akong tanga na kumakausap ng hindi nakakaintindi na manika. Ngumiti lang siya at naupo sa sahig.

Isinarado ko ang pinto at lumabas sa kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan ng apartment namin at tumambad sakin ang mga makukulit kong kaibigan.

“What took you so long, pre? Kanina pa kami dito.  Paos na ako oh! Painom naman ng tubig.” Reklamo ni Sef. Papasok na sana siya ng harangan ko siya sa pinto. Nagulat sila lahat sa ginawa ko.

“Ah h-hindi pwede eh. Mamaya ka na lang uminom sa school.”

“Bakit naman sa school pa? May tubig ka naman. Sige na, pre ang damot mo naman! Para namang hindi tayo friends.” Dagdag ni Sef habang kunyaring umiiyak sa balikat ni Steven. Loko talaga ‘to. Kung wala nga lang akong babae sa kwarto ko, papapasukin ko sila eh.

“Basta! Magulo kasi apartment eh.” Pagsisinungaling ko sa kanila. Siguradong maglilikot yun sa loob ng apartment namin once na pinapasok ko ‘tong tatlong to eh.

“Para namang malinis ang mga apartment namin! Hmm.. Ahhh alam ko na! Siguro may tinatago ka no. Kaya ayaw mo kaming papasukin!” Sabi ni Rocco habang tinuturo ako na parang may ginawa akong kasalanan.

“H-ha? W-wala ah!” Sagot ko.

“Weh! Pinagpapawisan ng malamig. Nauutal. Namumutla ang mukha. Messy bed hair, topless,” Sabi ni Rocco habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

“G-ganito naman talaga ako matulog. Mahina ang electric fan ko sa room ko, di ba?”

“At wait! Ano yang nasa leeg mo!? Is that a hickey?!” Tukso ni Rocco habang nakangiti ng nakakaloko.

“H-hickey?! Anung pinagsasabi mo dyan!?” Sagot ko agad habang hinahaplos ang leeg ko. Bakit naman ako magkakaroon nun?

“Patingin! Patingin!” Sabi naman ni Sef habang hinahawakan ang ulo ko para tingnan ang ‘hickey’ na sinasabi ni Rocco. Lumayo naman ako kaagad.

“Awww! I knew it! Bro, we didn’t know you’re this naughty! Sabagay. Mas masarap talaga at may thrill ang bawal.” Sabi ni Sef. Naguguluhan na ako. Napakamot na lang ako ng ulo.

“Don’t worry, hindi ka namin susumbong kay manang. Pero pag nalaman ni manang ‘to siguradong goodbye apartment ka. Hahaha! Ikaw talaga! Kilala ba namin siya? Is she from the same building? Tanong ni Rocco. Huh?

“Rocs! Don’t ask such thing! Awww~ Look! Can’t you see he’s shy! Sorry kung nakadisrupt kami sa inyo ha. Sige, aalis na kami bro.” Sabi naman si Steven.  My goodness! Alam kong weirdo at makukulit ang mga kaibigan ko pero hindi ko alam na ganito sila kalala. Medyo lutang pa ang isip ko at kagigising ko pa lang kaya hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasabi nila sa akin. I decided to play along at tanungin kung bakit sila nandito ng ganito kaaga.

“Teka! Anong pinagsasabi niyong ‘inyo’? Bakit ba kayo nandito?”

“No need to deny it, bro. We understand you. Kapag napaalis ka pa dito, wala ka ng malilipatan na apartment na may mababang renta. Wala lang. Tatanungin ka lang sana namin kung gusto mo sumabay samin?” Si Rocco habang pilit sumisilip sa loob ng apartment. Hinarangan ko siya. Umatras siya at may binulong kay Sef. Tumawa ang dalawa.

“That’s it?” At bakit naman nadamay pa ang apartment na ‘to na may mababang renta? Gusto ko sanang idagdag pero sumasakit na ang ulo ko sa ingay nila.

“Yeah! Sige, mauna na kami.”

Hindi na ako nakasagot dahil dali-dali silang naglakad paalis habang nagtatawanan. Weirdo talaga ng mga ‘yun. Pumasok ako ng apartment at inilock ang pinto. Pumunta ako sa banyo para puntahan ang babaeng may tililing. Nakita ko na hawak niya yung paperbag ng cookies na bigay ni Rocco kagabi. Tuwang tuwa siya habang kumakain. Bawat kagat niya sa cookie ay napapahagikgik siya. May tililing talaga. Weird but cute. Very cute.

“…” Tatawagin ko sana siya pero hindi ko alam ang itatawag sa kanya. Ano bang pangalan niya? Hindi naman siya marunong magsalita. Napakainosente niya at walang kaalam-alam. Para siyang isang bagong silang na sanggol. Yun nga lang, malaki na siya ng mailuwal siya. Ang weird. Para bang bigla na lang siyang iniluwa ng mundo. Imposible pero heto siya na patunay na posible.

“Ano bang pangalan mo?” Tanong ko. Alam ko mukha akong tanga ngayon na kinakausap pa rin siya kahit hindi niya ako maintindihan. Para akong kumakausap ng laruan, ng manika. Hindi sumasagot pero alam mong naririnig ka. Ngumiti siya at kumuha pa ng isa pang cookie mula sa paperbag ng Julie’s Bakeshop. May franchise kasi ang pamilya ni Rocco ng nasabing bakeshop at mama niya mismo ang nagbabake doon. Mukhang gustong gusto niya talaga ah.

“Masarap ba?” Tanong ko ulit. Ngumiti siya ng sobrang malaki at kitang-kita kong nagningning ang mga mata niya. Wow. Sobrang ganda ng mga mata niya. Ngayon ko lang napansin pero magkaiba pala ang mga mata niya. Yung isa kulay dark brown, yung isa naman kulay black. Ang ganda. Sobrang ganda. Napansin kong kumuha siya ulit ng isa pang cookie at inabot sa akin. Umiling ako.

“Hindi ako mahilig diyan eh, Julie,” sabi ko sabay turo doon sa paperbag ng Julie’s bakeshop na hawak niya, “Ikaw na lang ang kumain.” turo ko sa kanya.

“Jul..?” Tanong niya habang pilit niyang ginagaya ang sinabi ko. Kita kong medyo nahihirapan siya.

“Ju-lie.”

“Ju-lie!” Sabi niya habang nakangiti.

“Yes, that’s right. Julie. No, not you. Yung paperbag na hawak mo.” Sabi ko sabay turo sa hawak niya.

“Julie?” Turo niya sa sarili niya. “Moe.” Turo niya sakin.

“Hay! Sige na nga. From now on, your name will be Julie. Okay Julie, meron akong klase mamaya. Isang subject lang naman so babalik ako kaagad.” Inalalayan ko siyang tumayo at naglakad palabas ng banyo. Pinulot ko yung t-shirt ko sa  sahig at sinuot. Nagdiretso kami sa kusina. Pagbukas ko ng ref, isang carton lang ng gatas ang nadatnan ko. Sinilip ko ang babaeng may tililing si Julie at nakita kong inaamoy-amoy niya yung apple mula sa fruit basket. Pinigilan kong hindi matawa.

“Uhm, Julie,” sabi ko. Napatingin naman siya sakin at nagsmile. Mukhang gusto naman niya ang pangalan niya. “wala pa akong food eh. Promise, magogrocery ako mamaya. So, eto na lang muna. I hope busog ka pa dahil sa cookies na bigay ni Rocco. And yang hawak mo, that’s an apple. Pwede mong kainin.” Inabot ko sa kanya ang isang basong gatas. Tinitigan niya lang iyon at inamoy-amoy. Pinigilan ko na naman ang sarili kong hindi matawa.

“That’s fresh milk. Gatas. Galing yan sa baka. Drink it.”

“Mink?” Papatayin ako sa cuteness ng babaeng ‘to talaga.

“No, mi’l’k.” Sabi ko emphasizing the letter “L”. Kinuha ko ang baso mula sa kanya at uminom ng kaunti. Iniabot ko sa kanya ulit yung baso.

“Ikaw naman. Masarap ‘yan.” Tahimik niya akong tiningnan at maya-maya ay inilapit niya ang mukha niya sakin. Tinitigan ko ang mga mata niya. Sobrang ganda pala niya sa malapitan. Ang haba ng mga pilik mata niya at mapula ang kanyang mga pisngi lalo na ang kanyang labi. Her lips look so inviting and I can’t think about anything else but kissing those irresistible lips. Her pink tongue escaped her mouth and licked my lips ever so slowly.. She seductively sucked my lower lip like it’s a freakin candy and touched my chest softly that that simple gesture actually tickled me. She pulled away and looked at me with those dark brown/black eyes that I adore.

What the hell happened?! Did she just French kiss me?

“Y-YOU ARE NOT SUPPOSED TO DO THAT, JULIE!” Sigaw ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kanina lang kung makatingin siya sakin parang kakainin niya ako ng buhay. Inosente ba talaga siya? What the heck happened to my cute, little, innocent- Uhm. Paanong-

Naputol ang mga iniisip ko ng biglang kinuha niya ang baso ng gatas mula sa kamay ko at ininom ang laman. Kinagat niya rin ang apple na hawak niya at umupo sa upuan sa lamesa na parang walang nangyari. Seriously?

“Maliligo lang ako. Diyan ka lang.” Dali-dali akong nagpunta sa banyo ko at naligo ng malamig na tubig. My heart’s beating like crazy. Wow! She’s so good with her pink, little tongu- Utang na loob, kumalma ka Elmo! Hey! I’m just a man with manly needs. Sure, I used to make out and play with different girls every night at the club but I never cross the line. Her innocence turns me on. So bad.

Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa ginawa niya. Obvious naman na nag-enjoy ako. Siyempre sino namang lalaki na nasa katinuan ang hindi. Pero ano naman ang ineemote ko dito. Kanina, sumagi sa isip ko na kung sa ibang tao napunta si Julie, baka napagsamantalahan na siya. Lalo na kung makita nila ang itsura ni Julie noong una ko siyang makita sa kwarto ko. Maisip ko lang ‘yon nag-iinit na ang dugo ko sa galit. Buti, my self-control is still intact.

Nakabihis na pala ako hindi ko napansin kakaisip kay Julie. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko siyang nakaupo sa sofa sa maliit na living room ng apartment. Binuksan ko ang TV at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Lumapit siya sa TV at itinuro ang mga tao doon. Tawa siya ng tawa at tinatawag pa ang pangalan ko.

“Yeah. Wag ka dyan masyado kang malapit sa TV. Halika, upo ka dito,” inalalayan ko siyang umupo ko sa sofa. “Diyan ka lang ha. Babalik ako agad. Isa lang naman ang klase ko ngayong araw eh.” Sabi ko pero hindi niya ako pinapansin. Nakatuon lang ang buong atensyon niya sa TV na parang bata na nanonood ng cartoons.  Kinuha ko ang fruit basket at inilagay sa harapan ni Julie.

“Pag nagutom ka, kainin mo lang yan ha. Hihingi pa ako kay Rocco nung cookies.” Hindi niya ako pinansin kaya kinuha ko na ang bag ko at naghandang umalis. Talagang nakaconcentrate siya sa panonood ng isang Korean romcom movie. Hindi niya naiintidihan ang sinasabi ng mga characters pero natatawa siya sa mga ginagawa nila. Kelan pa naging nakakatawa ang naghahalikang mga bida ng pelikula? Naalala ko tuloy yung halik niya kanina. Damn girl.

 “Oo nga pala. Wag na wag kang magbubukas ng pinto ha.” Paalala ko.

“Bye, Julie. You behave, okay? See you later. Take care.” Alam kong hindi niya ako naiintindihan pero I can’t help it. Pakiramdam ko, tatay ako ng may tililing na babaeng ito. Kahit na pakiramdam ko ay ka-edad ko lang si Julie.

-;-

AN: Ayun! May pangalan na rin si Julie! :)

Anonymous said: Ate tuloy niyo na rin po yung My enemy! Tagal ko na pong inaabangan yun eh. Thanks Ate! Ganda ng teaser ng new ff mo po :D

O sige. Talagang sobrang tagal na nga eh. Thank you so much po :)))

My Julie Doll (Chapter 1)

-;-

Halos ala-1 na  ng umaga ng maka-uwi si Elmo sa apartment na tinitirhan niya galing sa bahay ng kanyang kaibigan. Sabay kasi nila ginawa ng mga kaibigan niya ang mga plates na bukas na rin ang pasahan. Nagdiretso na siya sa kwarto niya para magpahinga dahil maaga pa ang pasok niya bukas at  siguradong mananagot na naman siya sa Lolo niya kapag nalaman ng matanda ang mga lates niya. Nakadama siya ng pagod kaya hindi na niya binuksan ang ilaw sa loob ng kanyang kwarto. Naghubad siya ng pantalon at t-shirt na basta niya na lang hinagis kung saan at tanging ang boxers na regalo sa kanya ng mama niya ang natira. Marahan siyang naglakad sa kama at nahiga.

“Aray! Ang sakit ng likod ko.  Lintik na Rocco at Steven. Kaya yata nag-imbita na sa kanila gawin ang mga plates namin para magpagawa sakin. Aanhin ko naman tong mga cookies na ‘to e hindi nga ako mahilig sa matatamis.  Sa susunod talaga, magpapabayad na ako ng pera eh.”Reklamo ni Elmo. Kanina ng matapos ni Elmo ang mga plates niya ay nagpatulong sina Rocco at Steven sa paggawa. Noong una ay binabantayan lang ni Elmo ang dalawang kaibigan habang gumagawa pero ng naglaon ay siya na rin ang tumapos dahil paulit-ulit ang kanilang pagkakamali. Katakot takot na pasasalamat ang ginawa ng dalawa ng matapos ni Elmo ang mga plates dahil mahirap gawin ang mga plates na iyon. Binigyan pa nga si Elmo ng isang supot ng cookies ni Rocco (na gawa daw mismo ng kanyang ina kaya magpasalamat daw siya at binigyan pa siya nito) bilang pasasalamat. Minasahe niya ang kanyang braso at balikat saka ipinikit ang mga mata at sinubukang matulog.

Lingid sa kanyang kaalaman, may isang pares na mga mata ang tahimik na nagmamasid sa bawat kilos niya.

*THUD*

Nagising bigla si Elmo ng may narinig siyang nalaglag na gamit sa sahig. Bumangon siya at naglakad sa may pinto kung saan nakalagay ang switch ng ilaw ng kanyang kwarto. Imposible namang si Enzo yun dahil sa isang linggo pa ang balik ng kaibigan niya dahil nagbabakasyon ito ngayon sa probinsya. Si Enzo ang kahati niya sa apartment na tinitirhan niya. Dalawa naman ang kwarto ng apartment at masyado itong malaki kung isang tao lang ang titira dito. Isa pa, malaki ang matitipid niya kung may kahati siya sa pagbabayad ng renta ng apartment.

Nang mabuksan niya ang ilaw, isang magandang babae ang bumulaga sa kanya.

“Ahhhhhhh! S-sino ka? Uhm.. A-anong ginagawa mo.. d-dito sa uhm.. sa.. kwarto ko?” Ang mautal-utal na tanong ni Elmo. Hindi malaman ni Elmo kung nananaginip ba siya o ano sa mga nakikita ng mga mata niya. Napalunok siya ng titigan niya ang hubad na katawan ng babaeng nasa harapan niya. Maputi, makinis at sexy. Katulad ng mga nakikita niya sa mga panglalaking magazines.

First time niyang makakita ng hubad na katawan ng babae sa personal. Aminado naman siya na minsan ay bumibili at nagbabasa siya ng mga magazine na panglalaki (pero mostly ay kay Enzo ang mga magazines dahil may subscription ang nasabing binata at humihiram na lang si Elmo ang mga iyon para makatipid). Naaalala niya tuloy bigla noong grade 6 siya kung saan unang beses silang magkakaklase na manood ng porn-

 ‘Ano ka ba Elmo!? Hindi tama yang iniisip mo.’ Dikta ni Elmo sa sarili.

Agad siyang lumingon at iniwas ang tingin niya dito.

“W-why are you not wearing anything? W-where are your clothes?!” Tanong muli ni Elmo pero hindi pa rin kumibo ang babae. Bagkus ay lumapit ito sa kanya at hinawakan ang dibdib ni Elmo. Nagulat si Elmo dahil wala din siyang suot na pang-itaas kagaya ng babae. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kabilang dulo ng kwarto. Naramdaman niyang bumilis ang  tibok ng puso niya sa simpleng haplos ng babae. Sino ba naman ang hindi magugulat kung may makita kang hubad na magandang babae sa kwarto mo. Sino ba namang babae ang nasa tamang isip na pupunta sa isang bahay ng  lalaki ng walang damit? Siya. Itong babaeng nasa harapan niya ang tanging gagawa nun. Hindi kaya takas itong babaeng ito sa mental?

 “Are you out of your mind? Magkaron ka naman ng kahihiyan! Kababae mong tao..” Sigaw niya dahil namumula na ang mukha niya sa hiya. Dinampot ni Elmo ang kanyang t-shirt na hinubad niya kanina at ibinato sa babae. Hinintay niyang suotin ng babae ang t-shirt niya pero nanatiling nakatayo ang babae at nakatingin lang sa kanya.

“A-ano pang ginagawa mo diyan? Suotin mo nga ‘yan! Baka kung ano pa magawa ko sa’yo eh.” Binulong lang ni Elmo ang mga huling salitang sinabi niya at nag-antay na sundin siya ng babae. Tumalikod siya para hayaang makapagbihis ang  babae ng bigla itong kumulbit sa likod niya.

“Ano? Tapos ka na ba?” Pagtalikod niya para kausapin ang babae, nakahubad pa rin ito at iniwan ang t-shirt niya sa lapag kung nasaan siya nakatayo kanina. Nagulat na naman si Elmo at tumakbo na naman siya papunta sa kama para kunin ang kanyang kumot.

“Ahhhhhhh! Lumayo ka nga sakin! Ibang klase kang babae ka! Hindi ka ba marunong magsuot ng damit?” Ipinulupot niya sa katawan ng babae ang kumot at sa wakas ay natitigan na niya ang mukha ng babae.

Mayroon siyang mapungay at inosenteng mga mata, matangos na ilong, maputi at makinis na balat, may mahabang buhok na abot hanggang baywang at may mapupulang labi.

Napakaganda ng babae.

“Teka, sino ka ba? Paano ka nakapasok sa kwarto ko? Anong ginagawa mo dito sa apartment namin?”

“Hmmm!”

Ang nakangiting tugon ng babae. Hindi pa rin makatingin ng diretso sa mata si Elmo dahil tanging ang paborito niyang kumot ang suot ng babae. Kung saan saan napapadpad ang mga mata niya kaya minabuti na lang niyang tingnan ang noo ng babae.

“Teka maupo ka nga! Hindi ka naman siguro bisita ni Enzo no? Sa isang linggo pa ang balik nun.” Pinaupo niya ang babae sa kama niya at si Elmo naman ay umupo sa sofa na malayo sa kama. Nakangiti pa rin ang babae sa kanya na tila hindi maintindihan ang mga sinasabi ni Elmo.

“Teka, may tililing ka no?”

“Hmmm?” Tanong ng babae. Inikot ikot naman ni Elmo ang kanyang hintuturo sa direksyon ng kanyang ulo at tinuro ang babae.

“Ti-li-ling. Ikaw baliw. Galing ka sigurong mental ano? ”

“Hmmm!”

“Hindi ka ba  talaga mag-sasalita? Can’t you talk?”

Tumayo ang babae at muntikan ng malaglag ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Medyo nakadama ng kaba si Elmo. Napakamot na lang siya ng ulo at naglakad papunta sa kanyang closet para kumuha ng damit. Iniabot niya iyon sa babae at tinitigan lang ito na parang ngayon lang siya nakakita nito.

“Don’t tell me you don’t know what the hell these are?”

Dinampot ng babae ang mga damit saka inamoy at tiningnan ng ng malapitan.

“Hay! Ewan ko sa’yo. Suko na ako.”

Walang nagawa si Elmo kundi isaklob ang t-shirt sa babae at tinulungang ilabas ang mga braso ng babae sa magkabilang butas. Hinawi niya palabas ng t-shirt ang buhok ng babae. Napatingin siya sa boxer shorts niya na hawak ng babae at naramdaman niyang biglang namula ang mga pisngi niya.

“Yan,” sabay turo sa boxer shorts na hawak ng babae, “suot mo katulad ng ganito,” tinuro naman niya ang suot niyang boxers. “Okay? Gets?”

Masayang tumango ang babae. Tumalikod si Elmo at hinintay siyang matapos magbihis. Nang humarap siya, nakita niyang maayos na naisuot ng babae ang boxers niya at hindi niya napigilan ang sarili niyang ngumiti ng may bagay siyang naituro sa babae. Katulad ng pagsusuot ng kanyang boxers.

Napatitig siya sa babae. Napa-inosente at napakaganda talaga niya. Hindi niya kayang paalisin na lang ng ganung-ganun lang ang babae. Hindi na nga nagsasalita, wala pang alam sa siyudad. Kunsensya pa niya kung anong mangyaring masama sa babae.

‘Hay! Buti na lang talaga pinalaki akong isang mabait, gentleman, at may mabuting loob na tao ni Mom.’ Naisip ni Elmo. Hindi kaya ng kunsensya niyang itaboy paalis ang inosenteng babae.

“Buti naman naintindihan mo. Alam mo, inaantok na talaga ako eh. Bukas na lang kita kakausapin. Maaga pa ang pasok ko bukas kaya matutulog na ako. Dyan ka na lang sa kama.” Naglakad si Elmo papunta sa switch ng ilaw. Pinatay niya ang ilaw at pagkatapos ay humiga sa maliit na sofa sa kwarto niya. “Good night.”

Ipinikit niya ang mga mata niya at sinubukang matulog. ‘Mukha namang hindi gagawa ng modus ‘tong babae eh. Teka, teka. Hindi kaya bagong modus ito kung saan nag-aakyat bahay sila sa mga bahay ng lalaki at sadyang naghuhubad para mang-akit. Ay hindi siguro. Hindi nga niya alam kung paano magsuot ng t-shirt. Teka! Hindi kaya nagpapanggap lang na walang alam itong babaeng ‘to? Ay siguro hindi naman. Hindi nga siya nagsasalita eh. Teka! Hindi kaya nagpapanggap ulit-‘ Naputol ang train of thoughts ni Elmo ng may biglang humiga sa tabi niya at yumakap sa kanyang likod. Napamulat siya ng mata at dali-daling tinulak ang babae. Binuksan niya ang ilaw.

“H-hoy! Anung ginagawa mo!?” Sigaw ni Elmo. Nakita niyang paiyak na ang babae at naramdaman niyang nanlalambot ang tuhod niya. Lumuhod siya sa tabi ng babae na nalaglag mula sa pagkakahiga niya sa sofa dahil sa pagkakatulak ni Elmo.

“Hey, I’m sorry. Nagulat lang ako sa’yo. Wag ka kasing nang-aakap. Ang manyak kasi nun eh.” Hinawakan niya ang braso ng babae at inayos ang buhok nito para makita niya ang kanyang mga mata. May namumuo ng mga luha. Gustong saktan ni Elmo ang sarili niya sa ginawa niya.

“I’m really sorry. It’s my fault, okay? Just.. Please don’t cry.  I can’t handle women crying. Hush, please?” Marahang paliwanag ni Elmo. Muntikan na niyang hindi makilala ang sarili niya sa mga pinagsasabi niya para lang pigilang umiyak ang dalaga.

Tinulungan niyang makatayo ang babae at hinigit papunta sa kanyang kama.

“Ikaw,” turo niya sa babae, “dito. Tulog. You know, sleep?” turo naman  niya sa kanyang kama.

“Ako. Elmo,” turo niya sa kanyang sarili tapos turo sa sofa, “doon sa sofa kasi it’s inappropriate for a boy and a girl to sleep in one bed kung wala tayong relasyon at lalo na kung hindi kita kilala. Okay?”

“M-moe?” Sambit ng babae sabay turo kay Elmo. Natulala si Elmo. First time niya narinig magsalita ang babae. Napangiti siya ng malaki.

“Yes, that’s right! I’m Moe. El-mo. Good job!” Elmo patted the girl’s head at inalalayang humiga sa kanyang kama. Kinumutan niya ang babae.

“Tulog na ha.” Naglakad siya papuntang sa may switch ng ilaw at pinatay ang ilaw.

“Moe!” Agad niyang binuksan ang ilaw at tiningnan ang babae. Nakita niyang tumayo ito at akmang tatakbo papunta sa kanya.

“Ayaw?” Tanong ni Elmo sabay iling ng ulo. Tumango naman ang babae.

“Okay. Matulog ka na. Hindi ko na papatayin ang ilaw.”

Tinulungan niya ulit ang babae na makahiga. Inayos niya ang mga unan para maging komportable ang babae at kinumutan. Pagkatapos ay dumiretso siya sa sofa at humiga. Ipinatong niya ang kanyang braso sa mga mata niya at sinubukang matulog.

‘Mukang mapupuyat ako nito ah.’ Sabi ni Elmo sa sarili. Hindi kasi siya sanay na bukas ang ilaw pag natutulog.

-;-

My Julie Doll (Teaser)
Meet Elmo Magalona. Isang 20 year old, graduating architecture student. Galing sa isang sikat at mayamang angkan. Dahil nag-iisang anak at tanging tagapagmana ng mga Magalona, lahat ng kanyang gusto at mga luho ay nakukuha niya. Naging spoiled at matigas ang ulo ni Elmo na kahit mga magulang niya ay hindi na niya sinusunod.  Kahit na madalas siyang nasasangkot sa mga basag-ulo lalo na sa mga club na kung saan siya gabi-gabi lumalagi, nakakalusot siya sa mga gusot na iyon dahil sa kanyang apelido, Palagi siyang nailalabas ng kanyang lolo sa mga gulo dahil sa kapangyarihan ng matanda at ng mga Magalona sa lipunan. Para maturuan ng leksyon si Elmo tungkol sa pagiging responsible sa lahat ng kanyang mga kinikilos at matuto ng mga bagay-bagay na hindi niya mismo maituturo sa apo at ng eskwelahan, pinalayas siya ng kanyang lolo sa mansion ng mga Magalona at napilitang manirahan mag-isa. Noong una ay tutol ang kanyang ama’t ina pero ng makausap sila ng kanyang lolo ay sumang-ayon na rin ang dalawa. Nahirapan si Elmo.  Hindi siya sanay magtrabaho at gumawa ng mga gawaing bahay. Wala siyang mga kasambahay na maari niyang utusan kahit anong oras kung naisin man niya ang isang basong tubig. Walang naglalaba at nagpaplantsa ng kanyang mga mamahalin at branded na damit.  Walang nagluluto para sa kanya. Walang natira ni-isang credit card sa wallet niya. Pati ang kanyang baby, isang black Audi R8, ay iginrahe ng kanyang lolo. Isang araw, nagulat na lang siya ng may nadatnan siyang hubad na babae babae, sa loob ng kwarto niya sa kanilang apartment. Paano kung hindi niya mapaalis sa bahay niya ang babae dahil walang kaalam-alam ang babae sa mundo at hindi pa marunong magsasalita? Paano kung makadagdag sa mga responsibilidad ni Elmo si Julie? Blame his conscience.

My Julie Doll (Teaser)

Meet Elmo Magalona. Isang 20 year old, graduating architecture student. Galing sa isang sikat at mayamang angkan. Dahil nag-iisang anak at tanging tagapagmana ng mga Magalona, lahat ng kanyang gusto at mga luho ay nakukuha niya. Naging spoiled at matigas ang ulo ni Elmo na kahit mga magulang niya ay hindi na niya sinusunod.  Kahit na madalas siyang nasasangkot sa mga basag-ulo lalo na sa mga club na kung saan siya gabi-gabi lumalagi, nakakalusot siya sa mga gusot na iyon dahil sa kanyang apelido, Palagi siyang nailalabas ng kanyang lolo sa mga gulo dahil sa kapangyarihan ng matanda at ng mga Magalona sa lipunan. Para maturuan ng leksyon si Elmo tungkol sa pagiging responsible sa lahat ng kanyang mga kinikilos at matuto ng mga bagay-bagay na hindi niya mismo maituturo sa apo at ng eskwelahan, pinalayas siya ng kanyang lolo sa mansion ng mga Magalona at napilitang manirahan mag-isa. Noong una ay tutol ang kanyang ama’t ina pero ng makausap sila ng kanyang lolo ay sumang-ayon na rin ang dalawa. Nahirapan si Elmo.  Hindi siya sanay magtrabaho at gumawa ng mga gawaing bahay. Wala siyang mga kasambahay na maari niyang utusan kahit anong oras kung naisin man niya ang isang basong tubig. Walang naglalaba at nagpaplantsa ng kanyang mga mamahalin at branded na damit.  Walang nagluluto para sa kanya. Walang natira ni-isang credit card sa wallet niya. Pati ang kanyang baby, isang black Audi R8, ay iginrahe ng kanyang lolo. Isang araw, nagulat na lang siya ng may nadatnan siyang hubad na babae babae, sa loob ng kwarto niya sa kanilang apartment. Paano kung hindi niya mapaalis sa bahay niya ang babae dahil walang kaalam-alam ang babae sa mundo at hindi pa marunong magsasalita? Paano kung makadagdag sa mga responsibilidad ni Elmo si Julie? Blame his conscience.

Hi!! :D

I’m really sorry. I’m abandoning my fanfics na. Kasi naman hindi ko na maduktungan sa tagal ko ng hindi nagsusulat. Ang hirap. Pero pero pero! Nga pala, grabe nakakakilig yung Just One Summer napanuod ko kanina. Tilian talaga mga tao. Kilig na kilig. Grabe bitin kami lahat. May mga mommy nga dala pa yung mga anak nila mga 4+ y/o. Tapos may nakita din akong mga matatanda mga 50+ y/o na ata. Nakakatuwa! XD Sa kalagitnaan ng movie biglang parang ang sarap magbasa ng fanfic. Sobrang nakakainspire magsulat ulit ng ff kaya eto na naman ako. Kasi naman nakakakilig yung Just One Summer. Tatapusin ko na kahit paunti-unting update. Nakakahiya naman sa inyo. Hahaha! XD Anyway, sasamantalahin ko ang 5 araw na bakasyon at kaluwagan ng sched. May popost po akong bagong FF. Baka yung mga dati kong FF na naumpisahan e idelete ko na. Magagamit ko din naman sa mga future stories ko yung plot nung mga yun eh. Salamat ng marami sa nagfollow!! God bless. Tekker :D

talinehaga:

At dahil excited na ako sa k*ss*ng scene nila sa #JOS Hahaha Credits to Mr. Mark Dizon and Ms. Emrey Perilla for the photos that I used. Nagmumura ng CHEMISTRY <3 #EDITED #PS :)

talinehaga:

At dahil excited na ako sa k*ss*ng scene nila sa #JOS Hahaha Credits to Mr. Mark Dizon and Ms. Emrey Perilla for the photos that I used. Nagmumura ng CHEMISTRY <3 #EDITED #PS :)

talinehaga:

ANGEL JULIE &lt;3

JULIELMO Two Infinity and Beyond &lt;3

talinehaga:

ANGEL JULIE <3

JULIELMO Two Infinity and Beyond <3

JULIELMO Two Infinity and Beyond &lt;3

JULIELMO Two Infinity and Beyond <3

JULIELMO Two Infinity and Beyond &lt;3

JULIELMO Two Infinity and Beyond <3

talinehaga:

“I am happy that I get to work with you almost everyday…”

JULIELMO Two Infinity and Beyond &lt;3

talinehaga:

“I am happy that I get to work with you almost everyday…”

JULIELMO Two Infinity and Beyond <3